(Originally written on March 21, 2013 at https://blog.ajperez.org)
Lahat ng nagmahal ay minsan dapat makaranas nito. Ang pagtatapos ng isang relasyon ay isang kabanata sa ating buhay kung saan nararamdaman natin ang pait at hampas ng hubad na katotohanan. (Naks.)
Dahil nakaranas din ako nito, I understand kung bakit minsan parang mga baliw ang mga broken hearted. May naglalasing, may nagwawala, minsan may naglalaslas pa ng pangalan ng ex sa braso. Malas nga nya lang kung ang pangalan ng ex niya mala-kilometro sa haba, for example, Jose Paolo Ricardo Emmanuel Christian. Malamang hanggang noo na ang laslas niya nyan. Hindi nga nagkasya ang pangalan niya sa Birth Certificate niya ang pangalan niya, sa braso mo pa kaya?
Minsan nga, may nabaliw na talaga. Meron isang pasyenteng napasok sa Mental Hospital sa sobrang depressed. Tinanong ng nurse yung pasyente: “Ate, sino pa ang iniisip nyo ngayon?” Sagot ng pasyente: “Yung ex ko…” Naawa ang nurse: “Ganun po ba? Nasaan na ba po ang ex nyo?” Tinignan ng pasyente ang nurse mata sa mata at sumagot: “NASA ISIP KO NGA! TANGA NETO!!” Oo nga naman kasi.
At katulad ng baliw na nasa mental, alam ko marami sa atin, nasa isip pa rin natin yung ex natin. Hindi nga lang sa isip, nasa puso pa rin. Halos lahat ng Facebook status mo tungkol sa pag mo-move on. Iha, six months na kayong naghiwalay ng ex mo tapos hanggang ngayon puro moving on pa rin status message mo? Halatang di ka pa nag move on. Bitter Ocampo ka pa rin.
Pero huwag mag-alala. Nandito ako na nagmamarunong ulit sa pag-ibig. At hayaan mong i-share ko sa’yo ang aking mga tips paano mag move-on:
- Huwag mo na panghinayangan ang oras na “nasayang.”
Kung nanghihinayang ka sa mga oras at panahon na nasayang dahil sa kaniya, eto ang masasabi ko sayo: Wala ka nang magagawa doon. Nakalipas na yun. Past. Kung maka-imbento ka ng time machine para makabalik sa nakaraan, go ahead. E kaso ni relo nga, wala kang suot ngayon, Time Machine pa kaya?
At saka hindi mo ba napansin na patuloy ka pa rin nagsasayang ng oras ngayon dahil sa panghihinayang mo? Tapos sa future, panghihinayangan mo rin yung oras na sinasayang mo ngayon dahil sa panghihinayang mo. O, nahilo ka na ba?
Time to move on.
- Magpraktis kang maglabas ng pagsisisi.
All of the time, ang mga taong nakipaghiwalay laging may iniisip na ganito:
“Sana, ganito na lang yung ginawa ko…” “Sana, ito na lang sinabi ko sa kaniya…” “Sana di na lang uminit ang ulo ko at nagwala…”
Ang tawag diyan: Pagsisisi. E di ngayon, alam na natin first hand na laging sa huli ang pagsisisi. Ang kulit mo kasi, ilang beses mo na bang narining na laging nasa huli ang pagsisisi?
Pero eto ang masakit diyan: Wala ka nang magagawa kundi ilabas ang pagsisisi. Huwag mong ipunin yan. Kasi pag kinimkim mo yan, mas masakit. Kaya pakonti-konti, ilabas mo ang pagsisisi mo. 10 minutes at a time. At siguraduhin mo na habang nababaliw ka, kasama mo ang mga mas baliw pa sayo: Ang iyong mga kaibigan. Kung sa kabaliwan mo ay nandyan sila para sa iyo, totoong kaibigan ang mga iyan. Sabi nga nila and totoong kaibigan, totoong baliw. Kasi imbes na unahin nila ang mas importante nilang dapat gawin, nandiyan sila sa tabi mo. Baliw sa kapwa baliw.
Time to move on.
- Balikan mo kung sino ka bago kayo nagkarelasyon.
Aminin mo, may buhay kang ibinuhay bago naging kayo ng ex mo. May sarili kang identity, set of friends, set of activities.
Balikan mo ang taong ito. Kasi sa maniwala ka o sa hindi, this is the person who your ex fell in love with. At ang tao na ito ay ang tutulong sayo maka move on. At maniwala ka, kung yung ex mo na-attract sa taong ito, that same person will attract someone equally amazing in the future when the time is right. Not a sad, depressed, guilt-ridden person clutching to what once was. If you can’t remember who you were, get to know yourself again.
Time to move on.
- Huwag mong kakalimutan ang dahilan bakit kayo naghiwalay in the first place.
Alam ko mahal mo siya. Pinasaya ka niya. May magaganda kayong memories together. That’s good!
Pero eto ang huwag mong kalimutan: May dahilan bakit kayo naghiwalay.
Kung kasalanan mo, eto isipin mo: Tao ka lang, at lahat tayo nagkakamali. Kung hindi ka niya kayang panindigan dahil sa maling nagawa mo ibig sabihin, hindi ka niya kayang panindigan habang buhay. Buti na lang naghiwalay kayo. You deserve someone better who will fight for you and will love you whatever your mistakes are.
Pero kung kasalanan niya, eto isipin mo: Bumitaw ka sa kaniya dahil may ginawa siyang hindi mo mapatawad. Kung ano man ang nagawa niya, sigurado ay nasaktan ka ng todo todo. Kaya ka nga nagdesisyong maghiwalay. Hindi niya nagampanan ang kaniyang pangako na hindi ka niya sasaktan ang damdamin mo. You deserve someone better.
Parang balimbing lang ako ano? Pero ang importante ay ito: May dahilan bakit kayo naghiwalay. Huwag mong kalimutan ito, para di mo na magawa ang kaparehong kapalpakan.
Time to move on.
- Tandaan mo na may magandang benefits ang pag move on.
When you let go, you give yourself peace.
Mahirap maglakad kung may binubuhat kang mabigat na bag. Ang masakit pa diyan, alam mong walang saysay ang pagbubuhat ng mabigat na bag kung di mo na kailangan ang laman na ito.
Paano ka makakareceive ng bagong bagay kung ang kamay mo ay nakasarado, hawak hawak ang bagay na di na niya kailangan ng sobrang higpit?
Buhay ka pa kaibigan. Di ka pa kukunin ni Lord. Ang dami mo pang dapat i-enjoy sa buhay mo. Kung ako sayo, itapon mo na ang mga lumang bagay sa loob ng bag mo para malagyan mo ito ng bago. At buksan mo na ang kamay mo at i-let go mo ang bagay na mahigpit mong kinakapitan para makareceive ka ng bago.
When you let go, you give yourself peace.
Time to move on. Yes, it’s time to move on.
At saka alam ko, hinihintay natin ang independence day mo na sasabihin mo sa kaniya na kapag ako naka-move on sayo, “HU U?” ka na lang sa akin!